Mga Post

Gamit ng Wika sa Lipunan

Imahe
Ang lipunan  ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit. Ang wika  ,pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa. Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan? Marami-rami rin ang nagtangkang i-katergorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay, isa rito si M.A.K. Halliday na naglalahad sa pitong tungkulin ng wika na sumusunod: 1. Instrumental -tumutugon sa mga pangangailangan  ng tao  gaya nga pakikipag-ugnayan sa  iba. Ang  paggawa ng liham  pangangalakal, liham sa patnugot, at     pagpapakita ng mga  patalastas  tungkol sa isang produkto na  nagsasaad  ng gamit at halaga ng  produkto ay mga halimbawa  ng tungkuling ito.    2. Regulatoryo -pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direk