Gamit ng Wika sa Lipunan

Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.

Ang wika ,pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa.

Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan?




Image result for thinking emoji

Marami-rami rin ang nagtangkang i-katergorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay, isa rito si M.A.K. Halliday na naglalahad sa pitong tungkulin ng wika na sumusunod:

1. Instrumental
-tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at    pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.

Image result for patalastas  Image result for liham pangangalakal

2. Regulatoryo
-pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.

Image result for cook book  Image result for drawing pointing something


3. Interaksiyonal
-ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa.

Image result for nakikipag biruan  Related image

4. Personal
-ang pagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
Image result for journal tumblr


5. Heuristiko
- ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan,blog at aklat.
Image result for interview
6. Impormatibo
- ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay-ulat, tesis,panayam, at pagtuturo.

Image result for teaching clip art




Si Jackobson (2003) naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng pagbabahagi ng wika.

1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive)
- pagpapahayag ng damdamin, saloobin at emosyon.

Image result for liham pangkaibigan

2. Panghihikayat (conative)
- upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.

Image result for bawal manigarilyo sa pampublikong lugar

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)
- upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.

Image result for pakikipag ugnayan

4. Paggamit bilang sanggunian (referential)
-ipinapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon.
Image result for tv patrol logo

5. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)
- lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.

Image result for pagbibigay komento sa isang batas

6. Patalinghaga (poetic)
- masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

Image result for tula

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento