Gamit ng Wika sa Lipunan
Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin at namumuhay sa tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit. Ang wika ,pasalita man o pasulat, ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang makipag-ugnayan sa isa't isa. Ngunit ano nga ba ang gamit ng wika sa lipunan? Marami-rami rin ang nagtangkang i-katergorya ang mga tungkulin ng wika batay sa gampanin nito sa ating buhay, isa rito si M.A.K. Halliday na naglalahad sa pitong tungkulin ng wika na sumusunod: 1. Instrumental -tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito. 2. Regulatoryo -pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direk